TUNGKOL SA DULA
Sa isang mahalagang punto sa kasaysayan ng Pilipinas nagkrus ang landas ng dalawang bantog na kalalakihan. Magkaiba ang kanilang kalagayan sa buhay, magkaiba ang pamumuhay—ang isa ay may kaya at ang isa naman ay maralita. Gayunpaman, kapwa sila nagmula sa iisang bayan at may iisang hangarin—ang ipagtanggol at bigyang laya ang kanilang inang bayan.
Nitong Hunyo 12, 2012 ay ipinagdiwang ng Pilipinas ang ika-114 na taon ng kalayaan nito mula sa Espanya. Dalawa sa pinakatanyag na nakibaka noon para maisakatuparan ang kalayaan ay si Dr. Jose Rizal at Gat. Andres Bonifacio. Sa ilang taon nang nakalipas, naaalala pa ba natin kung paano nila itinaguyod at ipinagtanggol ang bayan?
Inihahandog ng Dulaang Laboratoryo at ng Teatrong Mulat ng Pilipinas sa ika-tatlumpu’t limang taon nito ang muling pagtatanghal ng dula ni Amelia Lapeña-Bonifacio na nagkamit ng first prize sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1995, ang Dalawang Bayani: Jose at Andres sa makabagong estilo sa direksyon ni Amihan Bonifacio-Ramolete. Sabay nito ay Ang Pagong at Tsonggo. Patutunayan kaya ng dulang ito ang katagang: “Matalino man ang matsing, maiisahan rin”?
Ang mga dulang ito ay produksyong pangthesis ng dalawang mag-aaral ng B.A Theater Arts na mga papetir rin sa mga dulang ito. Itatanghal sa Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo sa Agosto 23-25, 2012.
Sariwain natin ang nakaraan. Balikan natin ang mapapait at matatamis na pangyayaring sinapit ng ating bayan sa ngalan ng kalayaan. Sa pamamagitan ng mga papet ng Teatrong Mulat ng Pilipinas, muling magkukrus ang landas ng ating dalawang bayani. Tunghayan natin ang muli nilang pagsasama upang magsalaysay at maggunita ng ating kasaysayan.
Ang Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo ay nasa 64 Mapagkawanggawa st., Teachers Village West, Quezon City. Para sa reserbasyon at iba pang impormasyon, mag-email sa valeriergalvez@gmail.com or mobile +639228825594
Playdates:
August 23, 2012 Thursday – 2pm
August 24, 2012 Friday – 2pm and 7pm
August 25, 2012 Saturday – 10am and 2pm
ABOUT THE PLAY
Two most renowned men, one remarkable period in Philippine history. Each came from different walks of life—one is a well-heeled and educated man, and the other a rugged but honest worker. Both of these men struggled for one unfathomable desire—to protect and free the country from the Spanish colony.
Last June 12, 2012, the Philippines celebrated its 114th year of independence from Spain. And the two most renowned men who effectuated this independence are Dr. Jose Rizal and Andres Bonifacio. After more than a hundred years, do we still remember how these men fought for our country?
Dulaang Laboratoryo in cooperation with Teatrong Mulat ng Pilipinas on its 35th year, present a 1995 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 1st prize winner, Amelia Lapeña-Bonifacio’s Dalawang Bayani: Jose at Andres through a new approach by director Amihan Bonifacio-Ramolete and Ang Pagong at ang Tsonggo. This twin bill is a thesis production of two B.A Theater Arts students who are also Mulat puppeteers. The plays will be staged on August 23-25, 2012 at Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo.
Let us reawaken the past, commemorate the bittersweet happenings of the country in the name of freedom. Featuring the puppets of Teatrong Mulat ng Pilipinas, The Company reunites Dr. Jose Rizal and Andres Bonifacio onstage to reminisce and narrate to us our triumphant history.
The Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo is located at 64 Mapagkawanggawa st., Teachers Village West, Quezon City. For reservations and further queries, email valeriergalvez@gmail.com or mobile +639228825594
Playdates:
August 23, 2012 Thursday – 2pm
August 24, 2012 Friday – 2pm and 7pm
August 25, 2012 Saturday – 10am and 2pm